-- Advertisements --

Gumaling na mula sa coronavirus disease ang beteranong actor na si Antonio Banderas.

Ayon sa 60-anyos na actor, naging disiplinado ito sa loob ng 21 araw mula ng madiskubre niya na positibo ito sa COVID-19.

Hindi naman nito binanggit kung saan ito nag-quarantine.

Hiniling din niya sa kapwa na nagpositibo sa virus na tatagan ang kanilang kalooban.

Noong nakaraang mga taon din ay inatake na rin siya sa puso.

Magugunitang isinabay nito ang anunsiyo na positibo siya sa COVID-19 sa kaniyang ika-60th kaarawan.