-- Advertisements --

Hiniling ng prosecutor ng International Criminal Court (ICC) na si Fatou Baensouda sa mga judges na buksan ang full investigation sa naging kampanya ng gobyerno ng Pilipinas sa iligal na droga dahil ito raw ay may mga paglabag sa karapatang pantao.

Kasama rin dito ang human rights abuse na kasong isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Baensouda, ang pagsasagawa ng mga preliminary examinations ay magkakaroon ng magandang simula sa pag-iimbestiga.

Naniniwala kasi ito na nagkaroon umano ng paglabag sa karapatang pantao sa “war against drugs” na isinagawa mula Hulyo 1, 2016 hanggang March 16, 2019.

Noong Disyembre 2019 ay nangako ang ICC na kanilang itutuloy na pag-aralan ang reklamo laban sa pangulo kahit na umalis na ang Pilipinas sa Rome Statute na pinamumunuan ng ICC.

Mayroon pa kasing karapatan ang ICC na mag-imbestiga sa kaso kahit na umatras na ang isang bansa.

“These extrajudicial killings, perpetrated across the Philippines, appear to have been committed pursuant to an official State policy of the Philippine government. Police and other government officials planned, ordered, and sometimes directly perpetrated extrajudicial killings. They paid police officers and vigilantes bounties for extrajudicial killings. State officials at the highest levels of government also spoke publicly and repeatedly in support of extrajudicial killings, and created a culture of impunity for those who committed them,” bahagi ng report ng ICC prosecutor.

Base sa record ng Duterte administrations mayroong mahigit 6,000 daw ang mga nasawi sa anti-drug operations ng mga otoridad na ang sinasabing dahilan ng mga ito ay dahil sa “nanlaban” umano ang mga biktima.