BUTUAN CITY – Masaya at pinasasalamatan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o (NTF-ELCAC) ang mga otoridad sa pagkakahuli sa high ranking member ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na si Dra. Ma. Natividad ‘Naty’ Castro.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng Anti-Communist Task Force ng NTF-ELCAC, na dahil miyembro ng Central Committee ng CPP-NPA-NDF si Castro, nangangahulugan lamang umano ito na marami itong atraso sa bansa.
Na-iintidihan umano ng opisyal ang simpatiya ng mga ka-anak ni Castro na hindi ito rebelde dahil kilala ang makailwang grupo na mga sinungaling at magaling sa pagbabalat kayo kung kaya’t kahit ang kanilang mga ka-anak ay wala umanong alam sa masasama nilang ginagawa.
Samantala sa alegasyon namang trump-up cases lamang umano ang isinampa laban kay Castro, inihayag ni Badoy na dito na malalaman ng kanyang mga ka-anak kung totoo o hindi ang kanilang claims.