Hindi sinang-ayunan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang naging pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa second wave na ang bansa sa Covid 19 pandemic.
Ayon sa kalihim na ang mga naitalang bagong cases ng COVID-19 ay kabilang pa rin sa first wave.
Sinabi ni Año, ang pahayag hinggil sa second wave ay kanilang tatalakayin ang authenticity ng nasabing ulat sa kanilang IATF meeting.
Magugunita na ibinunyag ni Duque sa Senate Committee of the Whole Hearing nuong Miyerkules na ang unang tatlong kaso ng COVID-19 sa bansa ay lahat imported at ito ang itinuturing na first wave at ngayon ay nasa second wave ng COVID-19 infection.
Sa ngayon mayruon ng 13,221 COVID-19 cases ang Pilipinas habang nasa 842 ang namatay at nasa 2,932 ang recoveries.