Anne Curtis
-- Advertisements --

Nakapagtala ng record ang actress na si Anne Curtis matapos na umabot sa 14 milyon na ang followers nito sa Twitter.

Dahil dito ay siya ang unang Filipino na nakaabot sa dami ng followers sa Twitter.

Pinasalamatan ng actress ang mga Twitter followers nito.

Sinimula ni Curtis ang Twitter account noong Marso 2009 kung saan ginagamit nito ang nasabing platform hindi lamang para sa mga fans niya at sa halip ay para iparating ang mga saloobin nito sa mga iba’t-ibang usapin.