Nakadaupang palad mismo ng Kapamilya star na si Anne Curtis si Korean actress Song Hye-kyo sa Seoul, South Korea, ayon sa isang Instagram story ni Song kung saan makikita silang magkasama sa isang group photo kasama sina designer Kim Jones at content creator Bryan Boy.
Umalingawngaw din ang balita matapos i-follow ni Song si Anne sa Instagram, na ikinatuwa ng kanilang mga fans.
Kasalukuyang nasa Seoul si Anne para sa dadaluhang kasal ng modelong si Irene Kim. Sa kanyang Instagram, nag-post si Anne ng caption na: “ANNEyeong. Here for ze beautiful bride to be @ireneisgood.”
Samantala, si Song Hye-kyo ay magbabalik-telebisyon sa nalalapit na series na “Slowly But Intensely,” na isinulat ni Noh Hee Kyung.
Ani Song, pinagupit niya ang kanyang buhok para sa proyektong ito na nakatakdang magsasalarawan sa dekada ’60 hanggang ’70.
Si Anne naman ay nakatakdang bumida sa Philippine adaptation ng Korean drama na “It’s Okay to Not Be Okay”, kasama sina Joshua Garcia at Carlo Aquino.