Ipinakilala na ni Anne Curtis sa publiko ang first baby nila ni Erwan Heusaff.

Ito’y tatlong araw matapos isilang niya sa Australia ang kanilang baby girl na pinangalanang Dahlia Amélie.

Ayon sa 35-year-old Fil-Australian TV host/actress, hindi nito maipaliwanag ang pagmamahal sa anak na kanyang proprotektahan hanggang sa paglaki.

Taong 2017 nang ikasal si Anne sa blogger/restaurateur sa pamamagitan ng engrandeng private ceremony sa New Zealand.