Nagbigay na lamang ng payo si Annabelle Rama kay Gretchen Barretto makaraang madawit ang anak na si Ruffa Gutierrez sa gusot ng magkakapatid na Barretto.

Ayon kay Rama, mali ang ginawang pag-ungkat ni Gretchen sa dating iskandalo na kinasangkutan ni Ruffa.

Matapos kasing purihin ni Ruffa ang litrato ni Julia Barretto, inilutang ni Gretchen ang best actress award ni Ruffa sa isang film festival noong 1994 na nabalot ng kontrobersya.

Iginiit ni Rama na hindi na niyang palalakihin ang isyu ngunit pinagsabihan nito si Gretchen na huwag nang muling atakihin ang kanyang pamilya.

Pinayuhan ni Rama si Gretchen na manahimik na ito at sulitin na lamang ang kanyang yaman.