-- Advertisements --

Nabigo si Amanda Anisimova na makuha ang kanyang kauna-unahang Grand Slam title matapos matalo sa US Open kontra Aryna Sabalenka, 6-3, 7-6 (7/3), noong Sabado.

Ang 24-anyos na Amerikanang tennis star, na runner-up din sa Wimbledon noong Hulyo, ay muling natalo sa isang major final at inamin na kinulang siya sa determinasyon kaugnay ng kanyang laban.

Ibinunyag pa ni Anisimova na muling bumalik ang nerbiyos niya noong natalo siya sa Wimbledon final laban kay Iga Swiatek (6-0, 6-0), kung saan aniya’y siya ay na-“frozen” o bahagyang nanigas.

Sa kabilang bansa sa ipinakitang laban nagpakita ito ng magandang simula sa unang set, kung saan umaangat siya sa 3-2 matapos mabawi ang dalawang break, ngunit hindi niya napanatili ang momentum.

Ayon sa kanya, nahirapan siyang makita ang bola dahil sa nakasarang bubong sa Arthur Ashe Stadium dulot ng malakas na mga pag-ulan.

Tinanggap ni Anisimova ang kanyang pagkatalo at pinuri ang kalaban, na si world no. 1 Aryna Sabalenka, sa pagiging agresibo at matatag.