-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng US Open si defending champion Aryna Sabalenka.

Kasunod ito ng pagkapanalo niya sa semifinal round laban kay American fourth seed Jessica Pegula 4-6, 6-3, 6-4.

Sa unang set ay nakuha ni Pegula ang panalo at pagpasok ng ikalawa hanggang ikatlong round ay doon na nakabawi ang Belarusan World number 1.

Umabot sa dalawang oras at limang minuto ang laban sa laro na ginanap sa Arthur Ashe Stadium court.

Ito na ang tatlong sunod na taon na nakapasok sa finals ng US Open si Sabalenka.

May tsansa na rin ito para maging unang babae na magkakasunod naipagtanggol nito ang titulo kasunod ni Serena Williams noong 2014.