-- Advertisements --

Nagkampeon si World No. 1 Aryna Sabalenka sa Madrid Open.

Ito ay matapos na talunin niya si Coco Gauff sa score na 6-3, 7-6(7/3) para makamit ang ikatlong Madrid title.

Sa unang set ay dominado ni Sabalenka ang laban subalit pagpasok ng second set ay hindi nagpatalo ang ranked number 4 na American tennis star.

Ito na ang pang-anim na finals na naabot nito ngayong taon at pang-37 sa kaniyang karera ganun din ang pang-apat sa loob ng limang taon na paglalaro sa Madrid.