Nagbahagi ng hindi malilimutang karanasan si Angelica Panganiban ng ito ay magtungo sa Rome.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang nakaupo sa sa kilalang tourist spot sa Rome na Spanish Steps.

Ayon pa sa 32-anyos na actress, habang nakaupo ito sa sikat na tourist spot ay sinita ito ng kapulisan.

Ngayon lamang niya nalaman na pinagbabawal na pala ang pag-upo sa nasabing lugar.

Sa ina-upload nitong larawan ay sinabi nitong ngayon lamang siya nasita pero at least aniya ay na-upo na ito bago sitahin ng mga kapulisan.

Maraming mga fans naman ang nag-komento sa post ito ni Angelica kung saan sinabi nila na mula pa noong Agosto ay pinagmumulta na ang sinumang maupo ng hanggang 400 Euro o P22,000.