Pinuri ni Education Secretary Sonny Angara ang pamahalaang lokal ng Taguig dahil sa kanilang innovative education programs kung saan tinukoy nito ang Taguig Learners’ Certificate (TLC) Scholarship na isang magandang model initiative para sa iba pang LGUs.
Sa pagbisita ni Angara sa Tenement Elementary School sa Barangay Western Bicutan kaniyang inihayag na maganda sa Taguig dahil may TLC scholarsip kung saan binibigyan ng voucher ang mga bata na makapagpili ng private school na malapit sa kanila kapag puno na ang pampublikong paaralan.
Sinabi ni Angara na kanila din pinag-aaralan na gawin ito sa iba pang lugar tulad ng Cavite at Laguna kung saan masisikip na ang mga public schools.
Pinuri rin ni Angara ang collaborative approach ng Taguig sa edukasyon, na itinatampok ang suporta ng mga lokal na opisyal at mga kasosyo sa pribadong sektor.
“Dito sa Taguig, very helpful ang local government, ang legislators, even private partners. Sana ganoon sa lahat ng dako ng bansa,” pahayag ni Sec. Angara.
Ang TLC Scholarship ay maituturing na pioneering initiative ni Mayor Lani Cayetano na nagbibigay ng oportunidad sa mga graduating elementary school students sa Taguig na makapag aral sa private schools.
Layon ng programa para i-decongest ang public schools at mabigyan ng isang mas magandang learning environment.
Sa ilalim ng program ang pamahalaang lokal ng Taguig ang nagbabayad ng tuition at miscellaneous fees.
Bawat scholar ay makakatanggap ng P10,000 allowance para sa panganganilangan sa eskwelahan.
Sa ngayon mayruon ng 61 partner private high schools sa siyudad ng Taguig.
Pinangunahan nina Mayor Lani at Secretary Angara ang school walkthrough, kasama sina Congressman Jorge Bocobo, Schools Division Superintendent Dr. Cynthia Ayles, Barangay Western Bicutan Captain Pedrito Bermas, at Tenement Elementary School Principal Ma. Cheryl Fernandez.
Lubos namang nagpasalamat ang mga mag-aaral kay Mayor Lani dahil sa suporta nito sa education sector kung saan maganda ang learning environment.