-- Advertisements --

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ngayong gabi ang pagkakatalaga kay Major General Andres Centino bilang bagong Philippine Army Chief.

Si Centino ang magiging kapalit ni Lieutenant General Jose Faustino.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Lorenzana hinggil sa pagkakatalaga kay Centino sa bago nitong posisyon.

Si Centino ay commander ng 4th Infantry Division, sa Cagayan de Oro City.

Bago siya naging 4th ID Commander noong Mayo 2020, nagsilbi si Centino bilang 4th Infantry Division, which is based in Cagayan de Oro City.

Sa kabilang dako, si Faustino naman ang siyang dating head ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) sa Davao City.

Nakatakda siyang magretiro sa darating na Nobyembre ngayong taon.

Sina Centino at Faustino ay napapabilang sa Philippine Military Academy class of 1988.