Jerwin Ancajas 2
Jerwin Ancajas/ FB image

Naghahanda na si Filipino boxing champion Jerwin Ancajas laban kay Jonathan Rodriguez ng Mexico.

Ito na ang pang-walong title defense ni Ancajas na gaganapin sa Nobyembre 2 sa Carson, California.

Ayon sa trainer nitong si Joven Jimenez, na kakaibang kalaban si Rodriguez.

Handa itong makipagbugbugan kaya ito aniya ang kanilang labis na paghahandaan.

Kasalukuyang nagsasanay ang kampo ni Ancajas sa Philippine Marine base camp sa San Antonio, Zambales.

May record si Ancajas na 31 panalo isang talo at dalawang draw.