Usap usapan sa iba’t ibang dako ng mundo lalo na sa social media ang napabalitang bagong diskarte ng China na pagsasagawa rin ng COVID test gamit ang anal swabs.
Isinasagawa raw ito sa mga high risk na residente na delikado na mahawa sa COVID-19.
Kung ang ilang mga eksperto ang nag-iimbento ng mga pamamaraan para hindi masakit o invasive ang swab test tulad ng nadiskubre na saliva test, pero napapangiwi naman ang marami kung bakit anal swab pa ang gagawin.
Paliwanag daw ng isang Li Tongzeng, senior doctor mula sa Beijing’s You’an Hospital, ang pag-swab sa anus ay mas tumataas ang detection rate sa mga taong infected.
Dito kasi matutukoy ng husto ang virus na matagal manatili kumpara sa respiratory tract o kaya sa lalamunan ng isang tao.
Mas epektibo raw ang anal swab sa pag-detect sa virus.
Pero ayon sa ilang residente, masyado naman daw nakakahiya ang ganitong uri ng COVID test na anal swab.
Aminado naman ang ilang doctor sa China, hindi na nila palalawakin ang paggamit ng anal swabs kumpara sa ibang uri ng COVID tests dahil sa isyu ng inconvenience sa mga pasyente.