-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Naisalba sa pagkalunod ang isang American national habang naliligo sa karagatang sakop ng Station 1 sa Barangay Balabag sa isla ng Boracay.
Ang lalaking biktima na nasa ligtas nang kalagayan ay kinilalang si Julio Cesar Guerra, 80, isang American national at kasalukuyang naninirahan sa Sitio Bolabog sa naturang barangay.
Batay sa ulat ng Malay Police Station, habang naliligo ang biktima ay tinangay ito ng alon sa malalim na bahagi ng dagat.
Nasaklolohan ito ng isang crew ng napadaang paraw at agad na isinugod sa Ciriaco Tirol Memorial Hospital at kasalukuyang nagpapagaling.