Inanunsiyo ng American boyband na 98 degress ang pagsasagawa nila ng ilang show sa bansa.

Gaganapin sa “An Evening with 98 Degress” The Philippine Tour 2020 sa Davao, Manila at Cebu.

Magsisimula ito sa Pebrero 16, 2020 sa SMX Convention Center sa Davao, Pebrero 19, 2020 sa Waterfront Hotel & Casino Cebu City at Pebrero 25, 2020 sa SM Mall of Asia Arena.

Binubuo ng grupo nina Nick at Drew Lachey, Jeff Timmons at Justin Jeffre.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay “I Do”, “Because of You” at maraming iba pa.