Patrick Day
Patrick Day

Nasa pagamutan pa rin si American boxer Patrick Day at umano’y agaw buhay matapos na ito ay ma-coma ng magtamo ng head injury nang mapatumba ni Charles Conwell sa isang boxing match sa Chicago.

Walang malay ang 27-anyos na boksingero nang ilabas ito sa boxing ring sa stretcher hanggang sa isinakay sa ambulansya.

Ayon sa kampo ng boksingero, sumailalim ito sa operasyon sa utak subalit hindi na binanggit pa ang buong kalagayan.

Humingi na rin ng pagdarasal ang nakalaban nitong dating Olympian na si Conwell (11-0, 8 KOs) para sa mabilisang paggaling ni Day (17-4-1, 6 KOs).

Tumama ang kanang suntok ni Conwell sa mukha ni Day na sanhi ng kaniyang pagbagsak sa ika-10 round ng kanilang USBA super welterweight title fight.

Nagsimula ang professional career ni Day noong 2013.

conwell patrick