Wala na raw magagawa ang ama ni Amy Sembrana kundi tanggapin na lamang ang pagkamatay ng kaniyang anak.
Si Sembrana ang konduktora na sinilaban ng pasahero sa isang bus sa Fairview kahapon.
Ayon kay Orlando Sembrana, imposible umano na mapanagot pa ang suspek sa nangyari dahil pati ito ay namatay na rin dahil sa insidente.
Naiwan ng biktima ang siyam na anak, kabilang na ang kambal na isang taong gulang pa lamang.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga optoridad at Bureau of Fire Protectiuon (BFP) ang pagkakakilanlan ng suspek at kung ano ang tunay na motibo nito sa nangyari.
Sinabi ni Quezon City Fire District officer Captain Karl Rojales, hindi raw karaniwan ang mga ganitong sitwayon kung saan magdadala ang pasahero ng flammable substance dahil ang hinala raw ng mga pulis ay planado ito.
Kahit pa mayroong fire extinguisher sa loob ng bus ay napilitan ang driver na tumakbo palabas ng bus dahil nasunog din ang kaniyang braso.
Nakahanda namang magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).