CENTRAL MINDANAO- Dead on arrival sa pagamutan ang isang magsasaka at sugatan ang kanyang dalagitang anak sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Mohammad Sindad at sugatan ang kanyang high school student na anak,mga residente ng Sitio Tuka Brgy Bulit Datu Montawal Maguindanao.

Ayon kay Kabacan Chief of Police, Major Realan Mamon na habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo ang biktima,kasama ang kang asawa at tatlong anak na ihahatid sana sa paaralan ngunit pagsapit nila sa Brgy Kayaga Kabacan North Cotabato ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Natumba sa gilid ng national highway ang motorsiklo na sinakyan ng mga duguang biktima.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Kabacan.

Agad dinala ng mga nagrespondeng pulis ang mga sugatan sa Kabacan Medical Specialist Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay si Mohammad Sindad at nasugatan sa paa ang dalagita nitong anak.

Ligtas ang asawa ni Sindad at dalawa pa nitong anak na hindi tinamaan ng bala.

Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril sa mga biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.