Siniguro ng Department of Justice (DoJ) na dadaan muna sa masusing pagsusuri ang aplikasyon ni Peter Joemel Advinula alyas Bikoy kung nanaisin nitong sumailalim sa witness protection program (WPP) ng kagawaran.

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na dapat munang mag-comply si Advincula sa mga requirements para sa WPP.

Sa ngayon, wala pa raw sinumpaang salaysay na isinusumute si Bikoy sa piskalya at maging sa PNP.

Bukod sa sworn affidavit, kailangan ding magsumite ni Bikoy ng mga ebidensiya para maging kuwakipikado siya sa provisional coverage ng WPP.

Una rito, kumambiyo si alyas Bikoy sa nauna niyang pahayag na sangkot ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade.

Sa kanyang paglutang, idinawit niya si Sen. Antonio Trillanes IV at Liberal Party (LP) na nasa likod daw ng pagpapakalat niya ng video na naglalaman ng paninira sa pamilya Duterte.