MANILA – Pumalo na sa 853,209 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Ngayong 4 PM, Abril 10, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 12,674 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 593 na gumaling at 225 na pumanaw. pic.twitter.com/K7u0cr6jS7
— Department of Health (@DOHgovph) April 10, 2021
Ito’y kasunod ng naitalang 12,674 na bagong kaso ng COVID-19.
“3 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on April 9, 2021.”
Ayon sa DOH, 20.7% ang positivity rate o bilang ng mga nag-positibo mula sa 40,868 na nagpa-test sa coronavirus kahapon, araw ng Biyernes.
Dahil dito, sumampa pa sa all-time high na 190,245 ang bilang ng active cases sa bansa.
Ito na ang pinakamataas na bilang ng naitalang COVID-19 cases na hindi pa gumagaling sa bansa.
Mula sa nasabing numero, 97.2% ang mild cases; 1.7% ang asyptomatic; 0.26% ang moderate; 0.5% ang severe; at 0.4% ang critical cases.
Samantala, nadagdagan naman ng 593 ang bilang ng total recoveries na ngayon ay nasa 648,220 na.
Habang 225 ang naitalang bagong namatay para sa 14,744 na total deaths.
“19 duplicates were removed from the total case count. Of these, 7 are recoveries and 1 is a death.
Moreover, 49 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”