Kinumpirma ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Supt. Jayrex Bustinera na hindi pa rin nakakaalis si dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Jail female dormitory para mailipat sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong.
Bagamat kinumpirmang hindi pa naililipat ang dating alkalde, hindi na muna nagbigay ng iba pang detalye si Bustinera sa oras at kung kailan maililipat ng CIW si Guo.
Paliwanag niya, ito ay para na rin sa seguridad ng nasasakdal kung saan tiniyak naman ni Bustinera na dadaan sa mga umiiral na security protocols si Guo.
Magugunita naman na si Guo ay convicted para sa kasong qualified human trafficking na isa namang bailable offense.
Samantala, matatandaan naman na ibinasura na ng korte ang mosyon na inihain ni Guo na manatili sa Pasig City Jail kung saan kasabay nito ay inilabas din ang isang kautusan na mailipat si Guo sa CIW.














