Nagkaroon si Alex Eala ng pagkakataon na masungkit ang gintong medalya sa Southeast Asian Games women’s singles event matapos talunin ang Thai player na si Thasaporn Naklo sa iskor na 6-1, 6-4 sa semifinals ngayong Martes sa National Tennis Development Center sa Thailand.
Matindi ang naging hamon kay Eala sa laban kontra kay Naklo, kung saan sa ikalawang set ay agad siyang nalamangan ng Thai sa iskor na 0-2.
Bagama’t nahirapan ang Filipina tennis star, nakabawi siya nang makuha ang kanyang momentum at nakaabante sa iskor na 5-3.
Sinubukan pang makabalik ni Naklo sa laro, ngunit tinuluyan na ni Eala sa kanyang ikasampung tira at sinigurado ang silver medal para sa bansa.
Samantala, bago pa sumabak si Eala para sa gold medal sa singles event, maglalaro muna siya sa isa pang final game sa doubles event kasama ang kanyang kapares na si Niño Alcantara.















