-- Advertisements --

Hawak na ni Pinay tennis star Alexandra “Alex” Eala ang ika-49 na rango sa Women’s Tennis Association (WTA) ranking.

Ito ang panibagong career-high na ranggo ng bagitong tennis player.

Ang bagong ranking ay kasunod ng kaniyang kampaniya sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand.

Sa naturang turneyo, nagawa ng Pinay tennis player na umabot sa semifinals, kasama ang impresibong panalo sa mga naunang elimination rounds, tulad ng panalo laban kay seven-time Grand Slam singles champion Venus Williams sa doubles category.

Bago ang ASB Classic, nasa pang-53 pwesto si Eala, ang dati niyang career-high ranking.

Nakatakdang sumabak ang 2026 SEA Games gold medalist sa sa Kooyong Classic at sa Australian Open sa Melbourne ngayong lingo.