-- Advertisements --

Pinasinungalingan ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang alegasyon ni Davao City Rep. Paolo Duterte tinakot ang mga miyembro ng House Justice Committee para lamang suportahan ang impeachment case laban kay VP Sara duterte.

Una kasing sinabi ng dating presidential son na tinatawagan umano ang mga chief of staff ng mga mambabatas upang hilingin sa kanila na bumoto para sa impeachment.

Kung hindi aniya tatalima ang mga mambabatas ay binabalaan umano ang mga ito na tatanggalin ang buong pondo para sa kani-kanilang distrito.

Giit ni Chua, walang nangyaring blackmail sa pagtalakay ng komite sa impeachment complaints laban sa pangalawang pangulo.

Binalikan ni Chua ang mga serye ng petition na inihahain ng kampo ng pangalawang pangulo sa korte para lamang hindi matuloy ang hearing, kasama na ang paghahain din ng kaso laban sa mga miyembro ng komite.

Ayon kay Chua, wala nang ibang ginawa ang kampo ng mga Duterte kungdi punahin ang pagdinig at gumawa ng paratang, gayong hindi naman nakikibahagi ang mga ito noong binigyan sila ng pagkakataong dumalo sa pagdinig. (report by Bombo Genesis)