Hindi na makakapaglaro sa nalalabing bahagi ng NBA season si San Antonio Spurs forward LaMarcus Aldridge matapos sumailalim sa operasyon sa kanyang kanang balikat.

Sa anunsyo ng team, isinagawa ang surgery noong Abril 24.

Natamo ni Aldridge ang injury sa laban ng Spurs at Utah Jazz noong Pebrero 21.

Nakalaro pa si Aldridge sa sunod na game ng San Antonio, ngunit hindi na ito nasilayan pa sa sumunod na anim.

Balik-aksyon si Aldridge sa panalo ng Spurs sa Dallas, sa bisperas ng paggsuspinde sa NBA seaso dahil sa coronavirus pandemic.

Isa ang Spurs sa 22 koponan na masisilayan sa pagpapatuloy ng regular season sa Orlando, Florida.

Ngayong season nakapagtala ang seven-time All-Star ng 18.9 points at 7.4 rebounds sa loob ng 33.1 minutes per game.