Naic
Naic Mayor/ FB image

Naka-quarantine ngayon ang alkalde ng Naic, Cavite na si Mayor Junio Dualan matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa Facebook account ng Naic, inanunsiyo nito ang nasabing balita.

Naic Cavite

Nalaman na lamang niya ang resulta matapos na ito ay nagpa-swab test noong Marso 18.

Sinabi pa nito na nagpa-check up ito sa pagamutan at dumaan ng ilang beses na pagsusuri.

Pinayuhan na lamang siya ng mga doctor na manatili sa bahay at doon na magpa-quarantine.

Nanawagan na rin ito ng dasal mula sa kababayan sa mabilis na paggaling niya.