Nagsasagawa na ng matinding ensayo ang mens volleyball team ng bansa na Alas Pilipinas para sa FIVB Volleyball Men’s World Championship.
Magtutungo na ngayon ang koponan sa Morocco, Romaina at Portugal para doon isagawa ang pagsasanay.
Pinangunahan ni Italian coach Angiolino Frigoni at mga pangunahing manlalaro na sina Marck Espejo, Bryan Bagunas, Owa Retamar, Kim Malabunga, Steven Rotter, Jack Kalingking at Vince Lorenzo ang koponan.
Nasa pang-apat kasi na puwesto agn Alas sa dalawang legs ng 5th SEA V League na ginanap sa Candon, Ilocos Sur at Indonesia.
Magsisimula ang laro ng Alas Pilipinas sa Setyembre 11 kung saan unang makakaharap nila ang Tunisia na isang 11-time African champion at makakasagupa din nila ang Iran at Egypt.
Magaganap ang preliminary games mula Setyembre 12 hanggang 18 sa Araneta Coliseum habang ang knockout stage ay gaganapin sa Mall of Asia Arena mula Setyembre 20 hanggang 28.