JIMMY ALAPAG
Jimmy Alapag/ IG post

Hindi maitago ni dating PBA player Jimmy Alapag ang kaniyang kasabikan matapos na mapili ito bilang isa sa mga assistant coach ng Gilas Pilipinas.

UNa nang napili ni Gilas coach Tim Cone si Alapag at target nilang makuha muli ang 18th gold medal sa nalalapit na Southeast Asian Games.

Ayon kay Alapag, isang malaking karangalan ang magrepresenta ng bansa lalo na at naging bahagi ito noong aktibo pa siya sa paglalaro.

Ito rin ang unang pagkakataon na makasama si Cone na itinuturing niyang pinakamagaling na coach sa buong Pilipinas.

Nakapaglaro na rin ito sa iba’t ibang mga coach gaya nina Chot Reyes at Tab Baldwin sa Gilas Pilipinas, Norman Black sa Meralco at Jong Uichico kung saan nakuha ng Pilipinas ang gold medal sa SEA Games noong 2017.

Noong nakaraang taon nagkampeon din si Alapag sa ABL nang hawakan niya bilang coach ang isa team.