Looking forward na umano si dating PBA MVP Jimmy Alapag sa panibago nitong trabaho bilang bahagi ng coaching staff ng Sacramento Kings para sa NBA Summer League.

Una rito, batay sa ulat, tinanggap na umano ni Alapag ang alok sa kanya ni Sacramento general manager Vlade Divac.

“As a Coach, it’s important to continue to grow and learn. So thankful to Vlade Divac and the Sacramento Kings organization for the opportunity to join their Summer League staff in Vegas this year. Looking forward to the entire experience! Always an honor to represent PH basketball!!!” saad ni Alapag sa kanyang Instagram post.

Naging full-time coach ang dating Gilas Pilipinas captain kasunod ng kanyang pagreretiro sa PBA.

Hinawakan din nito ang San Miguel Alab Pilipinas sa kampanya nito aa 2017-18 ASEAN Basketball League championship, bago nito tanggapin ang alok na deputy coach sa San Miguel Beer sa PBA.