-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Lubos na kalungkutan ang naramdaman ngayon ng mga miyembro ng Aklan Press Club sa biglaang pagpanaw ni Juan “Johnny” Dayang matapos na pinagbabaril-patay habang nakaupo sa kaniyang rocking chair at nanonood ng TV sa kaniyang bahay sa Salvacion Village, Barangay Andagao, Kalibo, Aklan dakong alas-8:00 ng gabi ng Martes, Abril 29, 2025.

Ang 89 anyos na beteranong journalist ay hindi lamang naging haligi ng Aklan Press Club at isang iginagalang na tao sa larangan ng media, kundi isa rin siyang ama, mentor, at kaibigan sa napakaraming tao.

Ang kanyang dedikasyon, karunungan, at nakakapukaw na espiritu ay nag-iwan ng di-mabilang na inspirasyon sa mga buhay na kanyang nahawakan.

Si Dayang ay ang longtime president o itinuturing na Chairman Emeritus ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI) at hanggang sa kasalukuyan ay may mga column ito sa ilang tanyag na mga peryodiko sa bansa.

Maliban dito, naging presidente din si Dayang ng Manila Overseas Press Club (MOPC); director at board secretary ng National Press Club (NPC).