Pormal nang inihain sa Comelec en banc ang grupong Akbayan ang kanilang motion for reconsideration sa naibasura nilang disqualification case laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kasama ng mga kinatawan ng Akbayan na nagtungo sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila ngayong umaga para maghain ng kanilang motion for reconsideration ay si dating Human Rights chair Etta Rosales.
Noong nakaraang linggo nang ma-dismiss ng First Division ng Comelec ang consolidated disqualification cases laban kay Marcos Jr.
Ayon kay Comelec spokersperson James Jimenez, “lack of merit” ang dahilan nang pagkakabasura sa naturang disqualification cases.
Ang Akbayan, kasama ang grupong CARMMA at si Bonifacio Ilagan ang petitioners sa consolidated disqualification cases na ito kontra kay Marcos.