Naniniwala si Agricluture Sec. Francisco Tiu Laurel na magkakaroon ng magandang partnership at collaborations sa pagitan ng Pilipinas at Brunei na lalong magpapalalim sa economic ties ng dalawang bansa partikular sa sektor ng agrikultura.
Ito’y matapos lumagda ng kasunduan ang dalawang bansa.
Inimbitahan ni Secretary Laurel ang Bruneian companies na maglagak ng investment sa agrikultura sa Pilipinas.
Sinabi ni Laurel sa mga mamumuhunan sa Brunei ang iba’t ibang pagkakataon sa agri-trade at agri-business ng Pilipinas, na napakaraming dahilan kung bakit dapat nilang piliin ang bansa.
Ipinunto ni Laurel na dapat ding isaalang-alang ng mga mamumuhunan ang Pilipinas dahil sa paborableng kapaligiran ng patakaran nito.
Tinukoy ng kalihim ang lumalagong domestic market at potensyal sa pag-export nito, mayamang likas at human resources, at paborableng kapaligiran sa patakaran.
Bukod sa export-oriented crops tulad ng saging, pinya, kape, niyog na malakas ang demand sa ibang bansa, mayroon ding mga bago at umuusbong na export na produkto tulad ng abaca, kape at seaweed, ilan dito ay nakakakuha ng internasyonal na katanyagan.
Sinabi ni Laurel, ang pag-modernize sa agrikultura ng Pilipinas ay isang kritikal na mahalagang agenda ng ating gobyerno.
Ito ay dahil sa pangmatagalang bisyon ng isang food-secure at resilient na Pilipinas na may empowered at maunlad na magsasaka at mangingisda.
Si Laurel ay kabilang sa Philippine delegation na kasama ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang kauna-unahang state visit sa Brunei.
Ang pagbisita ng Pangulo sa Brunei ay lalong nagpalakas sa bilateral relations ng Pilipinas at Brunei.