-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 20 pagyanig ang naitalang aftershocks sa lalawigan ng Batangas at mga kalapit nitong lugar.
Batay sa ulat ng Phivolcs, epekto pa rin ito ng 6.3 magnitude na lindol kahapon sa Calatagan, Batangas, na naramdaman hanggang sa Metro Manila.
Isa sa malakas na aftershock ay magnitude 4.1 na naramdaman bandang alas-9:24 kagabi.
Una nang sinabi ni Phivolcs Dir. Renato Solidum na maaaring tumagal ang mahihinang pagyanig hanggang sa mga susunod na linggo.
Itinuturing naman bilang minor damages ang naitala sa ilang bayan sa Batangas at Occidental Mindoro, kung saan may ilang natibag na parte ng bahay.
Sa ngayon sinusuri na ito kung direktang dahil sa lindol ang pagkasira o kung may iba pang bagay na nakaapekto.
















