-- Advertisements --

Apatnapung mga estudyante mula sa University of the Philippines (UP)-Los Baños ang tinulungan ng AFP na makauwi sa lalawigan ng Iloilo ngayong araw.

Sa pahayag ng AFP, umalis dakong alas-9:00 ng umaga sa Villamor Airbase ang C-130 aircraft sakay ang mga estudyante, na na-stranded matapos ipatupad ang mahigpit na quarantine protocols noong Marso.

“We are glad to be of help bring these students back in the warmth of their homes and comfort of their families in these trying times,” saad ni AFP Chief Gen. Felimon Santos Jr.

Ihahatid din ng AFP ang naturang mga mag-aaral sa mismo nilang tirahan kung saan dalawampu’t anim ang taga-Iloilo, anim ang taga-Aklan, apat ang taga-Antique, tatlo ang taga-Capiz, at isa ang taga-Guimaras.

Ang naturang inisyatibo ay tugon sa hiling ng UPLB chancellor, na inaprubahan naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Bago naman ang kanilang pag-alis, binigyan ang mga estudyante ng temporary health certificate ng University Health Service ng UPLB matapos makumpleto ang 14-day isolation period sa UP dormitory, maging ang hindi gaanong kalaking kaso ng COVID-19 sa Los Baños, Laguna.