Nas 18,000 gift packs o “red bags” ang tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa Metrobank Foundation Inc (MBFI) at GT Foundation Inc. (GTFI) para ipamahagi sa mga benipisyaryo.
Pinangunahan ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana ngayong umaga sa Camp Aguinaldo ang ceremonial turnover ng “red bags” na naglalaman ng P1,000 halaga ng assorted food items.
Ayon kay Gen. Sobejana, 400 sa mga “red bag” ay para sa mga piling frontline workers ng AFP, habang ang 17,600 “red bags” ay ipapamahagi sa mga mararalitang pamilya sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nagpasalamat si Gen. Sobejana MBFI at GTFI sa kanilang donasyon para sa mga frontline workers ng AFP, na pagkilala aniya sa kanilang sakripisyo sa paglaban sa Covid 19 pandemic.
Sinabi ng Heneral na ang pagmamalasakit ng mga pribadong grupo tulad ng MBFI at GTFI sa mga sundalo ay nagsisilbing inspirasyon sa mga tropa na mas lalong pagsikapan ang kanilang misyon na pangalagaan ang mga mamayan.
Nasa 400 AFP frontliners at 17,600 underpriviliged families ang makakatanggap ng “bags of blessings.”
” We deeply hope that our partnership will continue to flourish and remain stronger in the years to come,” pahayag ni Sobejana.