Inanunsiyo ng United States Federal Bureau of Investigation (FBI) na magbibigay ito ng pabuyang $25,000 o katumbas ng P1.4 million para sa makapagbibigay ng impormasyon upang madakip ang puganteng Piilipino na si Austin Jan Sy Yatco na nahaharap umano sa kasong child exploitation.
Inisyu ang federal arrest warrant laban kay Yatco noong Enerro 23 ng kasalukuyang taon ng United States District Court for the Eastern District of New York.
Sa isang statement, sinabi ng FBI Dallas Filed Office, sangkot si Yatco sa online exploitation ng mga menor de edad sa pagitan ng 2019 at 2021 bilang parte ng network na nag-ooperate sa mga gaming at online platforms.
Kaabilang sa kaniyang mga kinakaharap ay sabwatan para sa pag-produce, pagtanggap at pamamahagi ng child sexual abuse material.
Konektado umano si Yatco sa online group na kilala sa tawag na “Greegy’s Cult”, na ang mga miyembro ay inakusahan ng pagpunterya sa mga bulerableng menor de edad at pagpwersa sa kanilang gumawa ng malalaswang material na kalaunan ay ibinabahagi sa grupo.
Ayon sa FBI, dating naninirahan si Yatco sa Plano, Texas at ngayon ay pinaniniwalaang tumakas na palabas ng Amerika at posibleng nagtatago sa Pilipinas.
Samantala, tiniyak naman ng FBI na kanilang aarestuhin si Yatco at papanagutin sa batas para mabigyang hustisiya ang mga biktimang minor.
















