Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging paratang ng Chinese Embassy na gawa-gawa lamang ang operasyon nila kung saan nakakumpiska sila ng ilang container na naglalaman ng cyanide na ginagamit sa paglason sa mga isda at coral reef.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson for West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na mula pa noong nakaraang taon ay mayroong tatlong insidente ang pagkakakumpiska ng mga cyanide mula sa mga Chinese fishermens.
Dagdag pa nito na mula pa noong Pebrero ng nakaraang taon ay nakakumpiska na sila na sinundan noong Hulyo at Oktubre.
Naging maingat lamang sila pagpapalabas ng impormasyon kung saan dumaan ang mga ito masusing pagsusuri mula sa eksperto.
Natiityak din ng opisyal na kanilang babantayan ang mga nagsasagawa ng iba’t-ibang uri ng pangingisda sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.
















