-- Advertisements --

Mas pinaigting pa ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang kanilang pagppatrolya sa mga lansangan lalo na sa gabi bilang pagpapakita ng suporta sa inisyatibo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahigpit na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa sa ilalim ng Safer Cities Initiative.

Ayon kay HPG Spokesperson PLt. Nadame Malang, nagumpisa ang kanilang mga enhanced patrolling simula Abril 13 sa bahagi ng Roxas Blvd kung saan talamak ang mga nahuhuling paglabag partikular na sa mga umiiral na traffic laws gaya ng Republic Act 4146 o mas kilala bilang “Land Transportation Regulation Act”.

Sa mga ikinasang operasyon, karaniwang nahuhuli ang mga jeepney drivers na oumapasada ng walang headlights na siyang nakikita bilang isang seryosomg paglabag na maaari pa niyang magresulta sa mga aksidente sa lansangan.

Tiniyak rin ng HPG na tuloy-tuloy ang mga ikakasang operasyon ng kanilang yunit para masiguro na magiging ligtas ang mag lansangan kahit pa sa gabi.

Samantala, nakapagtala naman ng hindi bababa sa 75,000 na mga paglabag ang mga otoridad sa loob ng Metro Manila simula yan Abril 6 hanggang Abril 13 dahil sa mga local ordinance violations.

Sa mismong araw lamang nitong Lunes, higit sa 7,200 mga indibidwal ang naitalang mga violators kung saan pangunahing dahilan pa rin ay ang pagiinom sa mga kalsada na nakapagtala ng 2,100 na mga kaso at sinundan ng mga curfew violations at paggamit ng karaoke ng lagpas na sa itinakdang oras.

Naniniwala naman ang Pambansnag Pulisya na dahil sa mga operasyon na ito, nagiging mas maalam ang publiko hinggil sa mga kailangan nilang sundin na ordinansa habang patuloy din ang paalala ng mga otoridad sa publiko na sumunod sa mga batas na ito para maiwasan ang abala at para na rin sa kaligtasan ng mga nasasakupang komunidad.