-- Advertisements --

Nanawagan si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Romeo Brawner Jr. para sa mas pinatibay na kooperasyon ng mga bansa sa Southeast Asia upang tugunan ang lumalalang maritime challenges sa rehiyon.

Binigyang-diin ni Brawner na bagama’t nananatiling matatag ang mga prinsipyo ng rehiyon, mas nagiging komplikado na ang maritime environment na kinahaharap ng mga bansa.

Ayon sa kanya, mahalaga ang papel ng Association of Southeast Asian Nations sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa pamamagitan ng dialogue, mutual respect, at consensus.

Giit pa ng AFP chief, kailangan manatiling nakasentro sa kooperasyon ang mga bansa upang epektibong harapin ang mga hamon sa seguridad sa karagatan sa gitna ng mabilis na pagbabago sa rehiyonal na sitwasyon. (report by Bombo Jai)