Arestado ang dalawang Japanese national na sangkot sa iba’t-ibang mga kaso.
Pinangunahan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pag-aresto sa nitong Abril 16 sa lungsod ng Maynila at Mandaluyong.
Ang unang suspek ay kinilala na si Sato Taiki na naaresto sa Mandaluyong City na inaresto dahil sa warrant of deportation na inilabas noong Marso 23, 2023.
Siya ay miyembro ng “Luffy Group” na sangkot sa iba’t-ibang mga krimen gaya ng nakawan sa Japan mula 2021 at 2023.
Ilang mga miyembro ng nasabing grupo ay pina-deport na rin ng bansa noong 2023.
Habang ang ikalawang suspek ay si Masayuki Aoyagi na inaresto sa lungsod ng Maynila dakong 6:20 ng gabi dahil sa deportation warrant.
Siya ay miyembro ng JP Dragon Syndicate, isang grupo na binuo ng mga dating miyembro ng Yakuza na sangkot sa telecom fraud operations na target ay amga may edad na.
Sinabi ni PAOCC Executive Director Undersecretary Benjamin Acorda Jr. na ang pagkakaaresto sa mga suspek ay nagpapakita ng pinalakas na intelligence sharing sa iba’t-ibang mga ahensya.
















