Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kaligtasan ng mga Amerikano sa bansa.

Ayon kay AFP Chief Of Staff Lt. Gen. Felimon Santos, kasama sa “concern” ng AFP na walang mangyaring masama sa mga US citizens na nasa Pilipinas.

Ito’y matapos na magbanta ang Iran sa Estados Unidos dahil sa pagkakapatay ng kanilang top military general.

Ayon kay Santos, kasama sa mga napag-usapan nila sa pagpupulong na pinatawag ng Pangulo kagabi ang mga posibleng gawing paghiganti ng Iran.

Kaya aniya pinalakas ng AFP ang kanilang intelligence monitoring sa mga possibleng maging target sa bansa.

-- Advertisement --

Sa ngayon aniya ay tuloy tuloy ang monitoring na ginagawa ng AFP sa mga kaganapan sa Middle East upang agarang mailikas ang mga Pilipino sa Iran at Iraq kung kakailanganin.