-- Advertisements --

Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines sa lahat ng mga Pilipino ngayong Araw ng Kagitingan na alalahanin ang ang ipinakitang kabayanihan at pagkamakabayan ng ating mga ninuno para sa bansa.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ng AFP na ang paggunita ngayong taon sa Araw ng Kagitingan ay taliwas sa nakagisnan dahil humaharap ang bansa sa hindi pagkaraniwang kaaway, ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dapat umanong gunitain ang ipinakitang tapang at kabayanihan ng ating mga ninuno, at dapat daw na tularan ng bawat isa para makatulong sa pagharap sa kasalukuyang krisis na nararanasan.

Ayon pa sa hukbong sandatahan, ipinapakita ng bawat military personnel ang nasabing katangian para maing matagumpay sa anumang hinaharap na laban, hindi lamang ang COVID-19 pandemic, ngunit pati na rin sa mga rebelde, teroristang grupo at iba pang mga kalaban ng estado.

Dahil dito, sinasaluduhan ng AFP ang lahat ng mga modern-day heroes na patuloy na lumalaban sa ngalan ng pagiging makatao at pagmamahal sa bayan.

“For this, the AFP salutes our modern-day heroes who continue to fight as one in the name of patriotism and the undeniable love for humanity,” saad sa pahayag.

“Let us continue to work hand in hand, confident that we will emerge triumphant as one nation against any kind of crisis,” the dagdag nito.

Una nang kinansela ang mga aktibidad ngayong Araw ng Kagitingan dahil sa banta ng coronavirus, at ililipat na lamang sa petsa kung kailan binawi na ang umiiral na enhanced community quarantine.