Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi sila magde deklara ng isang “ceasefire” sa NPA ngayong kapaskuhan.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen Edgard Arevalo, hindi nila irerekumenda sa Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng pansamantalang tigil putukan dahil napatunayan na sa nakaraan na ginagamit lang ng mga komunista ang pagkakataon para makapagpalakas ng pwersa.

Giit ni Arevalo, tuwing may tigil putukan, nag-re-recruit at nagiimbak ng armas ang nga kalaban.

Nilinaw naman ni Arevalo na pabor ang AFP sa pangmatagalang kapayapaan at hindi lang ang pansamantalang katahimikan ng isang ceasefire.

Kaya supportado aniya ng militar ang anumang maging pasya ng Pangulo sa posibleng muling pagsasagawa ng “peace talks” sa mga komunista.