Kinumpirma ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may free viewing sila para sa laban ngayong araw ni Senator Manny Pacquiao laban kay Argentinian boxer Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, libre ang panonood ng boxing match ng Pinoy boxing icon at ni Matthysse para sa mga sundalo at ng kanilang mga dependents.

Gagawin ang free viewing sa AFP-Commissioned Officers Club (AFP-COC).

Bukod sa Camp Aguinaldo may free nviewing din sa Philippine Army Gymnasium at maging sa iba pang kampo ng militar sa buong bansa.

Ang free viewing ng AFP para sa mga sundalo ay bilang pagkilala sa boxing icon na isang Army Colonel reservist.

-- Advertisement --