Tiniyak ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana na hindi na mauulit pa ang paglalabas ng maling mga dokumento na hindi dumaan sa masusing validation.
Halimbawa dito ang red tag list na mula sa AFP Intelligence Group at isinapubliko ng AFP Civil Military Operations J7, dahilan sa pagsibak sa pwesto kay MGen. Alex Luna ang Intelligence chief ng AFP.
Sa panayam kay Sobejana, mahigpit ang kaniyang direktiba sa mga officers nito na maingat sila sa pagtukoy sa mga indibidwal na may kuneksiyon sa makakaliwang grupo.
Ayon kay Sobejana, unfair para sa isang indibidwal na i-red tag ng walang sapat na ebidensiya.
” Tinitiyak ko sa mga susunod na issuances or publications ay kailangan we have to exercise due diligence and we should be very deliberae in our actions, kasi we dont want people to be on a compromise situation, so maasahan niyo po na magiging maayos na po ang pagbibigay ng serbisyo,” wika ni Sobejana.
Sinisiguro din ni AFP chief na kung may ilalabas man ang militar na listahan o dokumento ng mga indibidwal na mga kalaban ng estado ay “evidence based” ito.
” The AFP will be more careful and accurate in identifying the real enemies of the state. It is not right to accuse any individual or institution without evidence. So we will work on our evidence, talk less and exert more action,” pahayag ni Sobejana sa panayam ng Bombo Radyo.