-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi umano ang mga bala ng kalaban na suspected Dawlah Islamiyah -Maute terror group ang kumitil sa buhay ng anim na mga sundalo subalit dahil nasabugan ng dala-dala nila na butane gas canister habang nasa kasagsagan ng operasyon sa Barangay Ramain,Munai,Lanao del Norte.

Ito ang pag-amin ni Armed Forces of the Philippines chief of staff General Romeo Brawner Jr kung bakit mas mataas ang bilang ng mga sundalong nasawi kaysa tatlo lang mula sa mga terorista sa nabanggit na bakbakan.

Sinabi ng heneral na tinamaan umano ang canister kaya sumabog at at tumama sa mga sundalo.

Pag-amin ni Brawner na nakaranas ng miscalculation ng kanilang operasyon ang tropa dahilan sa hindi inaasahan na pangyayari.

Bagamat itinanggi ng AFP ang kumakalata na propaganda na pinugutan ng mga ulo ang mga sundalo at sinunog sa kasagsagan ng engkuwentro.

Magugunitang binisita ni Brawner ang mga burol ng anim na sundalo sa headquarters ng 1st Infantry Division sa Zamboanga del Sur bago kinamusta ang apat pa sugatan na dinala sa Camp Evangelista Station Hospital ng Cagayan de Oro City kahapon ng hapon.