-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ng Western Mindanao Command na nirerespeto nila ang huling araw ng Ramandan o selebrasyon ng Eidl Fitr, kung kayat fake news ang kumalat na balitang naglunsad ang kanilang tropa ng opensiba laban sa grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Barangay Kitango Datu Saudi Maguindanao araw ng Linggo.

Sinabi ni WestMinCom spokesperson Army Major Arvin Encinas nga isang ridu ang naganap sa nasabing araw, kung saan dalawa ang patay at umabot sa 16 ang sugatan at kritikal ang kalagayan.

Ania, pawang mga miyembro ng Moro Islamic Libration Front o MILF ang mga nasawi at sugatan.

Hindi na nagbigay pahagay ang panig nga mga namatay subalit malakas ang paniniwala ng kasundaluan na galing sa ISIS inspired group ang nakasagupa nga MILF fighters.